-- Advertisements --
Tinanggihan ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas ang tangkang pagpapalipat sa mga Palestiniana na naninirahan sa Gaza.
Ito ang naging resulta ng pakikipagpulong niya kay US Secretary of State Antony Blinken.
Tinalakay ng dalawa ang kahalagahan ng pagpapahinto sa ginagawang pag-atake ng Israel sa Palestinian na nasa Gaza.
Hindi talaga katanggap-tanggap ang anumang plano ng Israel government na ihiwalay o paghiwalayin ang Gaza Strip kaya mahalaga na gumawa ng paraan ang mga iba’t-ibang bansa para sa tuluyang matigil na ang nasabing kaguluhan.