-- Advertisements --
Nagbitiw na sa puwesto si Palestinian Prime Minister Mohammad Shtayyeh.
Sinabi nito na ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw ay para mabigyan ng pagkakataon na bumuo ng consensus sa mga Palestino tungkol sa political arrangement dahil sa giyera ng Israel laban sa mga Hamas.
Ang hakbang din ay mula sa pressure ng US kay President Mahmoud Abbas na magsagawa ng balasahan sa kaniyang mga opisyal.
Nasa desisyon pa rin ni Abbas kung pananatilihin pa ang nagbitiw na Prime Minister hanggang hindi pa nakakahanap ng bagong kapalit.










