Tiniyak ng Malakanyang na aarestuhin na sa mga susunod na araw ang malalaking mga personalidad na sangkot sa paglulustay ng pondo ng bayan para sa mga flood control project.
Kasunod ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bago mag- Pasko ay may makukulong ng mga personalidad na sangkot sa flood control scam kasama na dito ang mga big fish.
Ayon kay PCO secretary Dave Gomez, magsasampa pa ng mga karagdagang kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan kasunod ng mga nauna ng kasong isinampa nitong nakalipas na Nobyembre 18 laban kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at 15 iba pa kaugnay ng substandard na flood control project sa Oriental Mindoro.
Siyam na ani Gomez na mga akusado ang naaresto na at dinala sa Sandiganbayan, habang si Co at anim pang akusado ay nananatiling at large at tinutugis ng pulisya.
Pero pagtiyak ni Gomez, may mga kaso pang isasampa sa mga susunod na araw at sigurado na aniyang kasama na dito ang mga malalaking isda na magpapasko na sa piitan gaya ng pangako ng Pangulo.









