Muling pinasinungalingan ni Palace Press Officer Claire Castro ang lumabas na isyung hindi makalabas ng Los Angeles, California si First Lady Liza Marcos, matapos daw harangin ng mga local authorities doon.
Sinabi ni Atty. Claire Castro na isa itong demolition job.
Siya raw mismo ay makakapagpatunay na nasa bansa ang Unang Ginang dahil nakasama nya ito sa meeting.
Una nang sinabi ng Palasyo kahapon, na nakauwi ng bansa si FL LAM noon pang Lunes mula sa tatlong araw na working visit sa LA.
Pinayuhan naman ni Castro ang publiko na wag agad maniwala sa mga nakikita sa social media na ipinakakalat ng mga walang kredibilidad lalo na kung wala namang ebidensya at hindi lumabas sa mainstream media.
Samantala, hindi naman daw dinaramdam ng First lady ang naturang isyu at malabo rin daw na magsampa ito ng reklamo.
Maaalalang sabay na lumabas ang naturang isyu sa kasagsagan ng pag aresto ng mga otoridad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.