-- Advertisements --
image 240

Idineklara ng Palasyo ng Malacanang ang June 24, 2023 bilang special non-working day sa lungsod ng Maynila.

Ginawa ang deklarasyon ng holiday sa bisa ng Proclamation No. 261 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 15 na may authority ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakasaad sa naturang proklamasyon na ang June 24, 2023 na nataong araw ng Sabado ay ang pag-marka ng ika-452 founding anniversary ng lungsod.

Kayat marapat lamang aniya na mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan ng siyudad ng Maynila na makilahok sa okasyon at ipagdiwang ang naturang selebrasyon.