-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing matapos nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang pakistani seminarian.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, tagapagsalita ng COVID Team ng Iloilo City Government, sinabi nitong ang nasabing pakistani seminarian ay nananatili sa Mil Hill Missionaries Central House sa Avanceña Street, Molo, Iloilo City.

Agusto 17 pa umano nagsasagawa ng retreat ang pasyente kasama ang mga madre.

May direct exposure rin umano nito sa dalawang pari kung saan ang isa sa mga ito ay umuwi pa sa Lalawigan ng Antique at ang isa naman ay nasa Mill Hill Central House.

Natuklasan rin na pumunta pa ang pakistani sa Mill Hill Formation House sa R. Mapa St. Brgy. Airport, Mandurriao, Iloilo City.