Pinangunahan ni Quezon Province 2nd District Representative David “JayJay” Suarez ang isainagawang groundbreaking ceremony para sa pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng Lucena City General Hospital.
Itatayo ang ospital sa Brgy, Mayao Parada, sa Lucena City.
Ang LCGH multi-purpose bulilding ay PHP 40, 000, 000 project nina Rep. David Suarez at Alona Partylist Rep. Anna Villaraza – Suarez katuwang si Quezon Province Governor Danilo Suarez.
Sa pagbubukas nito, mayroong 200-bed capacity kungsaan kayang i-accommodate ang 42,269 na mga pasyente taon-taon.
Layon nitong ma-decongest ang Quezon Medical Center at matugunan ang healthcare programs hindi lamang sa District 2 ng Quezon kundi sa buong lalawigan.
Sa kaniyang talumpati sa groundbreaking event, sinabi ni Suarez na mahalagang matutukan ang mga programang pangkalusugan lalo ngayong may pandemya ng COVID-19.
“Sa matagal na pagseserbisyo natin sa ating lalawigan, isa po ang kalusugan sa pundasyon ng ating panunungkulan. Kasama si Cong. Anna, nilunsad natin ang mga birthing centers sa ating probinsiya para sa ating mga nanay at iba pang proyektong pangkalusugan tulad ng Flu Vaccinations at Health Coupons na ngayon ay itinutuloy ni Gov. Danny Suarez. Sa pagtatayo natin ng Lucena City General Hospital, bahagi ito ng malalim nating adbokasiya upang protektahan ang kalusugan ng bawat Quezonian,” ayon kay Suarez.
Ang Quezon province ay una nang tumanggap ng multiple awards sa mga healthcare programs nito gaya ng Green Banner Award of 2018 (Crown Award) para sa Outstanding Comprehensive Nutrition Program, at Galing Pook Award for Lingap sa Kalusugan para sa Health Coupon Program.
Sinabi ni Suarez na sa pagtatayo ng bagong ospital mas mapapalawig at mapagbubuti pa ang healthcare system sa lalawigan.
“Ang kalusugan, parte po ‘yan ng maraming bagay sa ating buhay. Mahirap mag-aral kung may sakit, at hindi ikaw ang top choice for employment kung marami kang iniinda. Lalo na ngayong pandemya, our health is our first shield against a virus that has no massively available cure yet,” dagdag ni Rep. Suarez.
Maliban sa pagtatayo ng bagong ospital, isinusulong din ng mambabatas ang mga programang tututok sa First One Thousand Days of Life (Q1K), No Balance Billing, at pondo para sa Barangay Nutrition Scholars.
Dumalo din sa aktibidad sina Quezon Gov. Danilo Suarez, Vice-Gov. Samuel Nantes, mga miyembro ng provincial government, kasama sina Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Vice-Mayor Philip Castillo, at iba pang bahagi gn Local Government.
Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Senator Christopher “Bong” Go bilang guest of honor.