Pagtatanghal ng Pasigarbo sa Sugbo o festival of festivals sa Cebu, kukuha ng boto mula sa online viewers; Lucky online voter, mananalo ng brand new na sasakyan
Inanunsyo ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na binubuo lamang ng 80% ang kabuuang contingent score mula sa panel of judges para sa Pasigarbo sa Sugbo o ‘festival of festivals’ na gaganapin ngayong darating na Agosto 28 sa Abellana Sports Complex nitong lungsod ng Cebu. Kukunin naman ang natitirang 20% mula sa online votes.
Maaaring mapanood ang pagtatanghal nang live sa Facebook, at maaaring maimpluwensyahan ng online audience ang resulta ng mga nanalo.
“This will democratize and level the playing field,..“A festival is not for the judge. Ato lang ning gi-competition aron maningkamot mo. . . . But a festival is for the public. Para na sa katawhan. So tagaan natog tingog ang katawhan nga nagtan-aw sad,” saad ni Garcia.
Limampung contingent mula sa limampung munisipalidad at component cities ng lalawigan ng Cebu ang magtatanghal sa street dancing at ritual showdown.
Samantala, inanunsyo ni Garcia na isang brand new car ang naghihintay sa isang masuwerteng online voter na dapat bumoto para sa mananalong contingent.
Ngunit para maging karapat-dapat sa mapanalunan, dapat pa umanong panoorin ang lahat ng perfomances mula sa simula hanggang sa matapos.