-- Advertisements --

trixie

Pinanigan ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang posisyon ng Taguig City na hindi kailangan ng writ of execution para ipatupad ang takeover ng Taguig sa EMBO barangays.

Ang pagtatalo sa teritoryo ng Makati at Taguig ay hindi isang ejectment case at malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na turnover ang dapat na gawin ni Makati City Mayor Abby Binay.

Sa vlog post ng dating kalihim, kaniyang hinimay ni Angeles ang usapin ng turf war sa pagitan ng dalawang lungsod.

Ipinaliwanag ni Angeles na isang abogado na kung titignan ang 53 pahinang desisyon ng SC sa nasabing kaso ay walang basehan ang argumento ni Binay na magkaroon muna ng transition period, aniya, “stop exercising jurisdiction” ang malinaw na utos ng hukuman na turnover ng hurisdiksyon ang dapat na gawin ng alkalde.

Sinabi ni Angeles na walang legal basis ang nakuhang opinyon ng Makati City mula sa Office of Court Administrator(OCA) na nagsasabing kailangan muna ng writ of execution.

“Opinyon lang ang inilabas ng OCA, ang pinanghahawakan ng Taguig ay malinaw na desisyon ng Supreme Court”pahayag ni Angeles.

Sinabi ni Angeles na ang writ of execution ay sa ejectment case, halimbawa, mayroong umuupa sa iyong property na gusto mo paalisin, kahit mayroon nang desisyon at nanalo sa hukuman kailangan pa rin ng writ of execution para mapaalis mo yung nakatira sa iyong property.

Ipinaliwanag ni Angeles, na “stop exercising jurisdiction” agad ang desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute dahil sa umpisa pa lamang ng kaso ay mayroon nang ipinalabas na Temporary Restraining Order(TRO) ang Pasig City Regional Trial Court.

Batay sa July 8, 2011 desisyon ni RTC Pasig City Branch 153 President Judge Briccio Ygaña pinaboran nito ang Taguig sa inihaing Civil Case No. 63896 na Judicial Confirmation of the Territory and Boundary Limits of Taguig.

Iniutos ng Regional Trial Court na ang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Parcels 3 at 4, Psu-2031 ay kumpirmadong bahagi ng territory ng Taguig.

Nakapaloob sa desisyon na permante ang ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction na ipinalabas noong 1994 at nakasaad dito na “Enjoining defendant Municipality, now City of Makati, from exercising jurisdiction over, making improvements on, or otherwise treating as part of its territory, Parcels 3 and 4, Psu-2031 comprising Fort Bonifacio”.

Dagdag pa ni Angeles na noong 1994 pa ay dapat hindi na nag-exercise ng jurisdiction ang Makati sa Embo Barangays dahil mayroon nang TRO sa umpisa pa lamang ng litigation ng kaso, kaya sa naging desisyon ng SC noong 2022 ay ang kautusan nito ay turnover ng jurisdiction matapos manalo na ang Taguig.

Ayon kay Angeles kung may kuwestiyon ang Makati ukol naman sa mga gusali na kanilang pagmamay- ari gaya ng school buildings, hospital at iba ay maaari itong dumulog sa SC sa pamamagitan ng isang clarificatory petition subalit pagdating sa kung sino ang nagmamay ari ng teritoryo ay malinaw na ito ay saTaguig.

Sinabi ni Angeles na pride na lang sa panig ni Mayor Binay kaya nagkakaroon ng delay sa turnover.

Mas mainam na iturnover na ni Mayor Binay ang EMBO Barangays habang magkaroon ng arrangement kay Mayor Lani Cayetano para sa mga ari arian.