-- Advertisements --

Inaalam na raw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ulat tungkol sa ilang agencies na hindi na raw tinatanggap ang pagbalik ng mga seaman na sumailalim sa 14-day quarantine.

Ikinabigla ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac ang nabasang report online na may mga agency ang naging malupit sa kanilang mga seafarer na mula Visayas at Mindanao.

Kinakalap na raw ngayon ng ahensya ang pangalan ng inirereklamong mga ahensya dahil sa akusasyon sa kanila.

Simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, magkatuwang ang OWWA at Department of Foreign Affairs sa repatriation ng mga Pilipinong overseas worker sa mga barko.