cpnp8 1
-- Advertisements --

Ikinatuwa ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang pagtaas ng trust rating ng PNP sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc. na ginawa mula October 11 hanggang October 18,2021.

Sa naturang survey nagkaroon ng 5 puntong pagtaas ang high trust rating ng PNP na umabot sa 35.2; habang bumaba ng 8 punto ang low trust rating na nasa 26.8.

Ayon sa Publicus, ito ang pangalawang sunod na quarter na tumaas ang trust rating ng PNP.

Ayon kay Eleazar, resulta ito ng pagtutulungan, pagsisikap at sakripisyo ng lahat ng tauhan ng PNP upang maibalik and tiwala at respeto ng mga mamayan sa kapulisan.

-- Advertisement --

Nagpasalamat naman si Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga pagbabagong ipinatupad niya sa PNP upang mapahusay ang pagseserbisyo sa taongbayan.

Siniguro naman ni Eleazar sa publiko na magpapatuloy ang kapulisan, hindi lamang sa paniniguro ng kaayusan sa paligid, kung hindi pati na rin sa pagtulong sa mga nangangailangan.