Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walag dapat ikabahala sa tumataas na namang kaso ng Covid-19.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, na sipon lang ang covid 19 na kailangan lang tratuhin at gamutin nang tama.
Ayon kay Herbosa, mas dapat katakutan ang heart attack, stroke at diabetes dahil ang mga ito aniya ang kabilang sa topten killer diseases sa bansa.
Bagaman tumataas aniya ang bilang ng mga nagkakaroon muli ng covid at may bagong flirt variant na kumakalat sa Singapore, hindi pa naman ito dapat maging dahilan para mabahala rito sa bansa dahil patuloy silang nakabantay sa sitwasyon.
Sa ngayon, sinabi ni herbosa na walang pangangailangan para magtakda ang pamahalaan ng border control o magpatupad ng travel ban mula sa mga turista na galing sa mga bansang may tumataas na namang kaso ng covid 19.
Hindi rin aniya kailangang magpatupad ng mandatory masking o ang pag obliga sa publiko na magsuot ng mask, bagkus ay gawin aniya itong personal na pag iingat.
Ibig sabihin, kung mayroon nang nararanasang sintomas ang isang indibidwal, makabubuting mag isolate na lamang muna ito sa bahay para hindi na makahawa pa ng iba.
Hindi rin aniya niya iri rekomenda ang pagpapatupad ng mandatory covid 19 testing, kundi nasa pag uusap na ito ng doctor at ng indibidwal na nakararanas ng sintomas at nagpapakonsulta..