-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Hindi na mandatory ang pagsusuot ng facemasks ng mga turista at bisita sa Isla ng Boracay at mainland Malay.

Ito ay makaraang magpalabas si Malay Mayor Frolibar Bautista ng Executive Order No. 26 kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa boluntaryong pagsusuot ng facemask sa buong bansa.

Batay sa executive order, magiging mandatory na lamang ang pagsusuot ng facemasks sa mga may immunocompromised, mga senior citizens, at walang bakuna sa COVID-19 upang maiwasan ang banta ng naturang sakit.

Obligado rin ang pagsusuot ng facemask sa loob ng mga mataong lugar, public transport at mga indoor venues.

Nabatid na sa kasalukuyan ay nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan at matagal nang nasa ilalim ng alert level 1.

Maliban dito, ang Aklan ang isa sa may pinakamataas na vaccination rate sa buong bansa.