-- Advertisements --
Plano ngayon ng France na gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga trabaho.
Ito ay para tuluyang masawata ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.
Magiging epektibo lamang ito sa mga opisina at factories na mayroong maraming empleyado.
Magsisimula ng nasabing hakbang sa darating na Setyembre 1.
Magugunitang umabot na sa mahigit 222,000 na ang nadapuan ng virus kung saan mahigit 30,000 na ang nasawi.