-- Advertisements --

Isinusulong ngayon sa Kamara na imbestigahan ang biglang usbong ng industriya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs sa bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na security threat na maituturing ang pagdami ng mga POGO outlets.

Ayon sa kongresista, nasa 51 na ngayon ang bilang ng POGO outlets sa Metro Manila.

May ilan din daw sa mga ito ang malapit pa sa misong kampo ni militar.

Ani Abante, kailangang masilip ang operasyon ng mga POGO para matukoy kung may kapabayaan mula sa parte ng Bases Convesion and Development Authority (BCDA).

Para sa lider ng minorya sa mababang kapulungan, hindi kailangan ng bansa ang pagtatayo ng POGO dahil magmimitsa lang ito ng mga panibagong problema gaya ng hindi pagbabayad ng wastong buwis, korapsyon at pagdami ng mga illegal foreign workers.

Samantala, sinabi naman ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat na bagama’t security threat na maituturing ang issue na ito ay hindi naman dapat ituring ang China bilang kaaway.