Posibleng bahagyang maantala ag pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa dahila pre-developing La Niña at nagpapatuloy na El Niño phenomenon ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Paliwanag ng ahensiya na historically ang pre-developing La Niña ay below-normal rainfall ang mararanasan kayat posibleng bahagyang maantala ang pagsisimula ng rainy season kasabay ng pinagsamang epekto ng nagpapatuloy na El Nino.
Itinaas din ng state weather bureau ang El Niño-Southern Oscillation) Alert at Warning System nito sa “La Niña Watch” dahil lumalabas sa model forecasts ang mas mataas na posibilidad ng pag-develop ng La Nina sa Hunyo hanggang Agosto na may probability rate na mahigit 55%.
Sa kabila naman ng pag-isyu ng ahensiya ang La Nina watch, nakatutok pa rin ang ahensiya sa mga epekto ng El Nino dahil wala pang katiyakan kung kailan mararanasan ang La Nina phenomenon sa ating bansa.