-- Advertisements --

Nakatakda nang sirain ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nadiskubreng depektibong balota na gagamitin sana para sa automated election system sa Mayo 9.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, gaganapin ang nasabing pagsira sa mga nasabing balota sa darating na Mayo 7 sa National Printing Office (NPO) sa harapan ng publiko.

Ito ay bilang pagpapakita ng komisyon sa transparency sa kanilang mga ginagawang paghahanda ngayong panahon ng halalan.

Samantala, kahapon lamang ay sinimulan na ng Comelec ang local absentee voting sa bansa para sa mga indibidwal na magsisilbi sa mismong araw ng eleksyon tulad ng mga pulis, media, at iba pa.

Tinukoy naman ng mga awtoridad na naging generally peaceful ang isinagawang botohan kahapon na nakatakda namang magtapos bukas, April 29, 2022.