-- Advertisements --
image 473

Binigyang diin ng Commission on Elections (COMELEC) na naging mapayapa at maayos ang pagsasagawa ng plebisito sa Marawi City.

Ayon sa Commission on Elections, ang dating kinubkob na lungsod ay magkakaroon na ng 2 bagong nayon na Barangay Boganga II at Barangay Datu Dalidigan.

Sa pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, may kabuuang bilang na 96 ang bumoto na pabor sila sa plebesito at apat naman ang bumoto na hindi sila sang-ayon.

Kung nagkaroon ng learning experience mula sa electoral exercise, sinabi ni Garcia na dapat maglagay ang poll body ng hiwalay na linya, kung hindi man ay emergency polling precinct, para sa mga kababaihan at mga matatanda.

Ang dalawang bagong barangay ay kailangang maghalal ng kanilang mga pinuno sa darating na Oktubre 30 sa barangay and Sangguniang Kabataan elections.

Sa ngayon, ito ay nasa ilalim pa rin ng kasalukuyang pamumuno ng mga orihinal na barangay.