-- Advertisements --

Palalawakin pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang maintenance activities sa mga public elementary at high schools sa buong bansa.

Sa memorandum na nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, binanggit na ito’y bilang suporta sa Oplan Balik Eskwela ng Department of Education (DepEd).

Inatasan ni Bonoan ang lahat ng regional offices at district engineering offices ng DPWH na ipatupad ang maintenance programs at activities bago ang pagbubukas ng klase ngayong taon.

Kabilang sa mga aktibidad na gagawin ng ahensya ay ang repainting ng pedestrian lanes sa harap ng mga paaralan, declogging ng drainage at paglilinis ng mga manholes, pagkukumpuni ng mga sirang upuan o silid-aralan at iba pa.