
Inihayag ng Philippine National Police na naging “Generally and Relatively Peaceful” ang naging pagsalubong ng ating mga kababayan sa bagong taon 2023.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Office acting chief PCOl. Redrico Maranan, naging ligtas at mapayapa ang naging pagsalubong ng taumbayan sa Bagong Taon sa kabila ng ilang insidente ng ligaw na bala at indiscriminate firing na naitala ng pulsiya sa kasagsagan ng pagdiriwang nito.
Kaugnay nito ay mananatiling nakataas pa rin sa highest alert status ang pambansang pulisya hanggang sa darating na Enero 6, 2022 bilang bahagi ng security plan na ipinapatupad ng mga otoridad sa nagdaan na Holiday Season.
Dahil dito ay magpapatuloy ang suspension ng leave ng mga pulis para sa pagma-maximize ng implimentasyon ng peace and order measures ng pambansang pulisya sa buong bansa.
Kung maalala, una rito ay ipinag-utos na rin ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa mga nasasakupan nito na paigtingin pa ang mga ipinapatupad na seguridad partikular na sa mga madalas puntahan ng mga tao tulad ng transport hubs, highway, kalsada, at marami pang iba.










