-- Advertisements --
maj chang region 9

Nilinaw sa Bombo Radyo ng PNP Region-9 na walang kinalaman sa terorismo ang nangyaring pagsabog kahapon sa Zamboanga del Sur na ikinamatay ng dalawang bata at dalawa pa ang sugatan.

Ginawa ni PMaj. Shellami Chang, spokesperson ng PRO-9, ang paglilinaw matapos ang pangamba ng Commission on Human Rights sa serye ng pagsabog na kinabibilangan ng bus bombing sa Koronadal, pagsabog sa Tacurong City at twin bombings sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Chang, ang naturang huling pangyayari sa Zamboanga del Sur ay dahilan sa pinaglaruan daw ang rifle grenade.

Kinilala naman ang mga biktima na sina Gregorio, 8, at John Leo Soco Miro, 6, na agad na namatay on the spot.

Ang dalawa pang mga bata ay ang 13-anyos na si Rhea Fe Poculan at pitong taong gulang na si John Michael Miro.