-- Advertisements --
Nagtala ng dalawang pagsabog sa municipal hall ng Jaen, Nueva Ecija.
Ayon sa mga kapulisan , dakong 4:25 nitong Linggo ng hapon ng makarinig sila ng dalawang magkasunog na pagsabog.
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ay ang baterya ng motorsiklo, nagkalat na mga pako at bote na pinaniniwalaang pinaglagyan ng gasolina.
Pinaniniwalaang mula sa improvised explosive device ang nasabing pagsabog.
Nagsasagawa na ng follow up ang mga otoridad sa nasabing insidente.










