-- Advertisements --
Pinag-iisipan na ni NBA superstar LeBron James ang pagreretiro sa paglalaro ng basketball.
Ito ay kasunod ng pag-sweep ng Denver Nuggets 4-0 laban sa Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals.
Matapos kasi ang laro ay naging emosyonal ang Lakers star kung saan pinag-aaralan niya ang mga susunod na kabanata sa kaniyang buhay.
Ipinagmalaki nito na marami na itong nai-ambag sa kaniyang koponan lalo na sa larangan ng basketball.
Una ng sinabi nito na nais niyang suportahan na lamang ang kaniyang anak na si Bronny na maglalaro na sa college basketball sa susunod na season at hindi magtatagal ay papasok na rin sa NBA.