LEGAZPI CITY- Hinikayat ng Provincial Government ng Albay ang pakikiisa ng kanilang mamamayan sa pagbibigay-pugay at pagsaludo sa mga frontliners na humaharap sa krisis ng coronavirus disease.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagpapailaw sa kalangitan sa Abril 12 dakong alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng gabi na itinaon sa Pista ng muling pagkabuhay ni Hesus.
Nagpaalala si Gov. Al Francis Bichara sa kaniyang mga kababayan na ang paraan na ito ay upang maipabatid ang pasasalamat sa mga frontliners na matapang na hinaharap ang coronavirus pandemic sa Pilipinas at buong mundo.
Suportado ang naturang aktibidad ng mga nasa lights and sound industry.
Hindi lamang umano para sa mga frontliners ang naturang pagbibigay-pugay kundi maging sa iba pang apektado ng pandemic.
“We’re encouraging all the lights and sounds industry in Albay and Bicol to join and participate to pay tribute for our frontliners & to those affected of this epidemic.”