Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang pagpaslang kagabi sa radio commentator na nakilalang si Percival Mabasa alias Percy Lapid habang nasa loob ng sasakyan sa gate ng kanyang bahay sa Talon Dos, Las Piñas.
Dahil dito, nananawagan si Castro sa Commission on Human Rights at Kamara na kaagad na imbestigahan ang pagpatay kay Mabasa na sinasabing kritiko ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Castro, nakakabahala ang umano’y pagpapatuloy at paglala ng extra-judicial killings at harassment sa bansa.
Dismayado si Castro, na sa ganitong pangyayari ay makikita na kadalasan ang hustisya sa ating bansa ay para lang umano sa mga mayayaman o makapangyarihan at kung ikaw ay nagsisiwalat lang ng katotohanan ay nireredtag ka at sinisiraan.