-- Advertisements --
Mayor Trenas

ILOILO CITY – Pormal nang mag-uumpisa ngayong araw, Mayo 16 ang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa buong lungsod at lalawigan ng Iloilo.

Kaugnay nito, nagpalabas na rin sina Iloilo City Mayor Jerry Treñas at Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. ng Executive Order kung saan nakasaad ang mga protocol na dapat sundin na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Base sa Executive Order 75, na pinirmahan ng alkalde, ipinagbabawal pa rin ang pagbukas ng mga sumusunod:

  • Spa, massage at facial centers
  • Gym, fitness studio at sports facilities
  • Libraries, archives at museums
  • Travel agency at tour operators
  • Resorts, parks, beaches at iba pang leisure establishments
  • Amusement centers katulad ng movie theaters, computer shops, clubs, casinos at cockpit

Ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng:

  • Mass gathering
  • Business, political, sports at membership organizations
  • Gambling at betting activities
  • Pag-inom sa mga pampublikong lugar at limitado rin ang bilang ng alak na puwedeng mabili sa isang araw na nakadepende sa brand.

Umaasa naman si Defensor na makakabangon ang ekonomiya ng lalawigan kasabay ng muling pagbukas ng maraming economic activities.

Batay sa Executive Order 118 ng gobernador, muling papayagan ang operasyon ng sektor ng transportasyon na magbibigay daan sa maraming manggagawa na muling makabalik sa kani-kanilang mga trabaho.