-- Advertisements --

Iimbestigahan ng House Committee on Transportation ang implementasyon ng iba’t ibang vehicle regulations kagaya ng Child Car Seat Law at private motor vehicle inspection centers (PMVIC).

Ayon sa chairman ng komite na si Samar 1st District Rep. Edgar Sarmiento, Miyerkules sa susunod na linggo magsisimula ang kanilang imbestigasyon.

Kasabay nito ay hinihimok ni Sarmiento ang executive department na ipagpaliban muna ang enforcement ng Car Seat Law sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mahalagang huwag munang dagdagan aniya ang gastusin ng taumbayan sa sitwasyon ngayon dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Nauna nang sinabi ng Department of Transportation na suportado nila ang pagpapaliban sa full implementation ng Child Car Seat Law.

Nagbabala naman ang Volunteers Against Crime and Corruption sa posibleng pagkakaroon ng korapsyon sa PMVIC, dahil ang implementation nito ay hindi dumaan sa public consultation.