-- Advertisements --
Isasagawa ngayong araw ang pagpapasinaya ng dagdag na istasyon ng EDSA Busway.
Pangungunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pagbubukas ng EDSA Busway sa Tramo Station Southbound Busway na makikinabang dito ang mga residente ng Pasay City at Makati City.
Inaasahan na dadalo rin sa pagpappasinaya si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman, Atty. Romando Artes.
Sa ngayon ay mayroong 18 istasyon ang EDSA Busway na bumabaybay sa MCU Median sa Caloocan City hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Hindi rin tumitigil ang kanilang paanyaya sa publiko na dapat tangkilikin ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel na magtatapos ng hanggang Disyembre 31.