-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 12 27 37

Pinaalalahanan ni Senator Grace Poe ang telecommunication companies at National Telecommunications Commission (NTC) na dapat tiyakin na maging madali ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card para sa mga senior citizen kasabay ng pagsisimula na bukas, Disyembre 27 ng mandatory SIM registration.

Ayon sa Senadora dapat na ang Sim registration ay gawing madali lamang gaya ng texting o pag-send ng text message.

Dapat din na mayroong portals ang telcos para sa registration na user-friendly at hikayatin ang mobile users na magpatala nang walang hassle at pagkaantala ng mga serbisyon.

Hinihimok din ang telecommunication companies na tulungan ang mga persons with disabilities, minors, buntis at ang mga walang access sa internet.

Nagpaalala naman ang ilang telco na maging maingat sa mga text messages na natatanggap na naglalaman ng pekeng URLs dahil magmumula lamang ang lehitimong mga mensahe mula sa mismong telecommunication company.