DAGUPAN – Pabor si councilor Marcelino Fernandez, presidente ng Liga ng mga barangay sa lungsod ng Dagupan na maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa December 5, ngayon taon.
Ayon kay Fernandez, malaking budget ang kailangan sa pagdaraos ng halalan maski sa barangay eleksyon.
Bagamat may budget ay pwedeng magamit muna sa ibang panggagagamitan gaya ng pagtugon sa pandemya.
Naniniwala rin si Fernandez na, malamang na 80 percent na mga nakaupong barangay officials ay malamang sila ay makakabalik at mananalo muli dahil tiyak na susuportahan sila ng mga halal na officials na kanilang sinuportahan sa nagdaang pambansang halalan nitong Mayo.
Sa takbo ng pulitika ngayon, ang isang kandidato aniya kahit sa barangay level ang tatakbuhan ay hindi ka mananalo kung hindi ka gagastos ng pera.
Dagdag pa niya na kahit gaano kaganda pa ang performance at rekord ng isang kandidato kung wala ring pera ay napakaimposibleng mahalal.