-- Advertisements --
Naniniwala si United States President Joe Biden na simula pa lamang ng tigil-putukan sa Gaza ang pagpapalaya ng militanteng grupong Hamas sa unang batch ng kanilang mga hawak na bihag.
Ayon kay Biden, kaugnay nito ay malaki rin ang posibilidad na mapapalawig pa ang temporary truce ngayon sa Gaza.
Bukod dito ay sinabi rin ng US President na ito ay ang panahon para muling i-renew ang pagbuo ng two-state solution para sa kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestine.
Kasabay nito ay hinikayat din ni Biden ang isang mas malawak na pagsisikap na pagbangon mula sa krisis kasama ang estado ng Palestinian at Israel, sa pamamagitan ng pag-renew sa two-state solution.