-- Advertisements --
image 28

Pagpapaigting ng food security sa bansa ang isa sa inanunsiyo sa naging bilateral meeting nina Pang. Ferdinand Marcos Jr at US President Joe Biden.

Kaya asahan na ang mas mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa para sa pagsulong ng mas matatag at mas malusog na komunidad.

Nakatakda din sa May 5, iko-convene ng Department of Agriculture ng Pilipinas at US, ang Food Security Dialogue.

Layon nitong i-advance ang kalakalan ng produktong pang-agrikultura, magkakaroon ng inobasyon at sustainability sa agriculture sector.

Susuportahan rin ng US ang hakbang ng Pilipinas na tiyakin ang water security sa bansa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng $100 million US dollars sa susunod na limang taon.

Target nito na mapalawak ang access ng mga Pilipino sa ligtas na pag-inom ng tubig, nagbibigay ng sanitation services sa higit 710, 000 individuals.

Nasa $5.3-million US dollars na assistance ang inilaan ng Amerika para sa pagpapaigting ng national at local capacity ng Pilipinas, sa pagtugon sa mga sakuna.

Nasa $5.3-million US dollars na assistance ang inilaan ng Amerika para sa pagpapaigting ng national at local capacity ng Pilipinas, sa pagtugon sa mga sakuna.
Patatatagin rin ng dalawang bansa ang water infrastructure, supply, at distribusyon system.