-- Advertisements --

Lilimitahan na lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga nurse sa ibang bansa.

Ito ay dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nurse na nagtatrabaho sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim na nakausap na niya ang samahan ng mga nurses sa bansa at inamin nilang may kakulangan ng nurses sa bansa.

Pinakiusapan na rin nito ang Philippine Nurses Association (PNA) na paghinay-hinay muna ang pagpapadala ng kanilang mga nurses sa ibang bansa.