-- Advertisements --

Ikinatuwa at nagpapasalamat si Quezon 3rd District Representative Reynan Arragoncia kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang desisyon na palawigin ang Libreng Sakay para sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2, at PNR hanggang December 31.

Ayon kay Representative Arragoncia, maghahain siya ng panukalang batas for budget allocation sa January upang masustine ang free ride.

Layon ng supplemental bill ang incremental revenues mula fuel excise tax at iba pang train law taxes upang maibsan ang paghihirap ng mga pasahero sa pagtaas ng presyo ng bilihin, pamasahe, at gasolina.

Itinutulak naman ng mambabatas na i-expand ang Libreng Sakay via service contracting sa lahat ng pasahero hanggang November 4, 2022.