DAVAO CITY – Magpapatayo ng kanyang negosyo, magpapaayos ng kanyang kusina at tutulong sa kanyang mga kamag-anak, ang iilan lamang sa mga gagawin ng 77-anyos na byuda na si Nanay Lagrimas matapus makuha ang kanyang premyo na P1-Milyong bilang grand prize winner sa grand draw ng 1..2.. panalo promo ng Star Fm at Bombo Radyo yr 18.
Muling inihayag ni Nanay Lagrimas, residente ng Purok 2, Tapay Street Mintal, Tugbok District nitong lungsod ng Dabaw na eto na ang katuparan ng kanyang mga pangarap sa buhay kung saan hindi umano niya inakala na sa kabila ng kanyang katandaan magiging milyonarya pa siya.
Dagdag pa nito na babalikan niya ang kanyang dating negosyo na isang karendarya at magpapatayo rin siya ng tindahan para mas mapalago pa ang kanyang napanalunan.
Dahil wala umano siyang mga anak at nag-iisa nalang sa buhay matapus mabyuda, nakahanda si Nanay Lagrimas na ibahagi ang kanyang pera sa kanyang pamangkin na siyang tutulong sa kanya sa pagpaptayo ng negosyo.
Kahit may isang milyong peso na siya, nais pa rin umano ni Nanay Lagrimas na ipagpatuloy ang pagsali sa mga pa=promo ng Bombo Radyo dahil ito na umano ang kanyang naging libangan sa kanyang buong buhay at nais pa rin umano niyang manalo ng mga pa-premyo.