CEBU CITY – Hinikayat ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga Katoliko na ituloy ang pagninilay-nilay at pagdarasal ngayong Semana Santa sa loob ng bahay.
Ito ay sa kabila ng hinaharap na hamon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang mensahe sa pagkatapos ng Palm Sunday mass kahapon, sinabi nito na malaki ang naging pagbabago sa Simbahan nitong panahon ng Kwaresma.
Ito ay dahil kanselado na ang mga pagtitipon gaya ng Washing of the Feet at ginawa na lang ding recorded ang Siete Palabras para sa gagawing online streaming.
Nilinaw ni Archbishop Palma na tuloy pa rin ang iba pang mga aktibidad ng Simbahan ngunit limitado lang ito sa publiko alinsunod sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa Cebu.
Nagpapasalamat naman si Palma sa mga kasapi ng media dahil sa pagiging tulay nito sa paghahatid ng makabuluhang impormasyon sa publiko at sa mga gawain ngayong Semana Santa.