-- Advertisements --

CEBU CITY – Binuksan kagabi, Agosto 3, ng National Historical Commission of the Philippines ang Buwan ng Kasaysayan o ang pagbalik-tanaw sa mga kaganapan at kwento bilang isang bansa na isinagawa sa Fort San Pedro nitong lungsod ng Cebu.

Pinangunahan mismo ni NHCP chairman Rene Escalante at NHCP commissioners ang nasabing aktibidad na dinaluhan naman ng mga miyembro ng Local Historical Committees Network (LHCN) mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dinaluhan din ito ng isa sa mga dating ambassador ng Holy See sa Roma upang manumpa.

Maging mga propesor na nagtuturo sa mga paaralan, unibersidad, kolehiyo at mga organisasyong nagsusulong ng kasaysayan

Kasabay ng paglunsad ng History Month ay ang pagpapakita ng logo sa ika-125 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas sa darating na 2023.

Sa naging talumpati ni Chairman Escalante, inihayag nito na mahalaga ang papel ng LHCN sa pagtutulak ng mga plano ng NHCP, kaya isa sa mga intensyon niya ay palakasin ang grupo.