Inaprubahan na ng Supreme Court (SC) ang hirit ng mga naulila ni dating AKO Bikol Partylist Rep. Rodel Batocabe mailipat ang venue ng pagdinig sa kinakaharap kaso ni dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo mula sa Legazpi City sa Albay.
Sa dalawang pahinang notice ng Supreme Court na pirmado ni Deputy Division Clerk of Court Teresita Aquino Tuazon, inatasan nito ang Executive Judde ng Manila Regional Trial Court (RTC) na agad mai-raffle ang kaso.
Inatasan ng Korte Suprema ang Branch Clerk of Court ng Legazpi City Albay na ilipat ang hawak nitong kaso sa Executive Judge ng Manila RTC sa loob ng tatlong araw mula nang matanggap nito ang notice.
Una nang lumiham sa kataas-taasang hukuman noong Setyembre 2019 ng pamilya Batocabe na mailipat dito sa Maynila ang pagdinig sa kaso mula sa Legazpi City, Albay.
Naniniwala ng pamilya Batocabe na bias at hindi parehas ang magiging paghawak sa kaso ni Presiding Judge Maria Theresa San Juan Loquillano pabor kay Baldo.
Nangangamba rin ang pamilya Batocabe para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang mga testigo kung sa Albay gagawin ang pagdinig sa kaso.
Si Baldo ang itinuturong utak sa kaso.
Tatakbo sanang alkalde noon si Batocabe laban sa noo’y reelectionist na si Baldo para sa pagka’alkalde ng Daraga Albay.
Nangyari ang pamamaslang kay Batocabe sa kanilang bayan nang pagbabarilin ng mga suspek matapos mamahagi ng Christmas gifts sa Daraga.