Tiniyak ng MalacaƱang na hindi bibigyan ng VIP treatment ang mga high-profile convicts matapos mailipat sa barracks ng Marines sa Taguig City.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador panelo na dahil sa isang detention facility na nasa ilalim ng kontrol ng Bureau of Corrections (BuCor) inilipat ang mga high-profile convicts na ito ay natitiyak niyang walang VIP treatment sa mga ito.
Nabatid na nasa 10 high-profile convicts na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima ang pinalilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Philippine Marines headquarters.
Iginiit ng Pangulo na nais lamang niyang maproteksyunan ang mga bilanggo na ito, lalo pa at may mga kaalyado pa rin daw si De Lima sa loob ng NBP.
Idinipensa ni Panelo ang dahilan ni Pangulong Duterte sa hakbang na ito at iginiit na hindi ito reward sa naturang mga bilanggo bilang kapalit ng kanilang pagtestigo kontra De Lima, na kilalang kritiko ng administrasyon.