-- Advertisements --
Walang ideya ang mga Japanese experts kung paano
sisimulan ang paglilinis sa tumagas na langis sa Indian Ocean.
Base sa kanilang assessment ay mahihirapan silang linisin ang oil spill na dulot ng barko mula Japan. Sinimulan ng mga specialists sa maritime anti-pollution measures ang paglilinis sa bahagi ng dagat na contaminated na dahil sa tumagas na langis.
Ayon sa isang myembro ng grupo, malawak na ang naapektuhan sa pagtagas ng langis kung saan aabot na ng 10 kilometro ang layo nito.
Dagdag pa nito na sobra rin ang dinanas na pagkasira ng barko dahil sa ilang ulit na sinubukang iligtas ito mula sa tuluyang paglubog.