CAUAYAN CITY – Itinuturing ng isang abogado na creative ang ginawa ng DILG sa paglilinis sa hanay ng pulisya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), sinabi niya na maganda ang nasabing sistema dahil hindi sapilitan ang pagpaparesign sa mga Colonel at Generals.
Aniya, napakaganda ito at maituturing na shortcut na paraan.
Pagpapakita lamang ito ng hangarin ng administrasyon na pagandahin o iimprove ang anti-drug campaign ng pamahalaan.
Isa rin itong salamin sa nagdaang kampanya ng pamahalaan na hindi gaanong nagtagumpay sa pakikibaka kontra sa iligal na droga.
Nagpapakita naman ito ng mahina o mabagal na justice system at internal disciplinary process ng mga pulis.
Ayon kay Atty. Cayosa, bagamat maganda ay hindi naman ito sustainable dahil hindi ito maituturing na long term solution lalo na at napakabagal ang justice system sa Pilipinas.
Apektado pa ito ng palakasan system, pulitika kung saan maraming nakakalusot at hindi nakukulong.
Payo ni Atty. Cayosa, kailangang i-strengthen, i-simplify at i-expedite ang accountability mechanism ng pamahalaan upang managot agad ang mga nagkasala.