-- Advertisements --
SENATOR BATO DELA ROSA

Inirekomenda ng isang Senador ang paglikha ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) zones sa halip na tuluyang ipagbawal ito sa bansa.

Ang rekomendasyon na ito ay parte ng committee report na isinumite ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa ibang mambabatas bilang chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Nagbunsod ang committee report ng mambabatas mula sa imbestigasyon ng kaniyang Senate panel sa epekto sa kapayapaan at kaayusan ng POGO operations sa bansa.

Sa panukalang POGO zone, ayon kay Sen. Dela Rosa maglalagay ng isang lugar kung saan madaling i-kontrol ang mga ito ng concerned agencies ng pamahalaan gaya ng PNP, Bureau of Immigration at Philippine Amusement and Gaming Corporation ( Pagcor) upang maiwasan ang POGo-related crimes.

Naniniwala kasi ang Senador na ang mga Pogo-relted crimes ay dahil sa kakulangan ng dedicated areas para sa offshore gaming industry.

Ayon pa sa mambabatas na nakatakdang isapubliko ang naturang committee report sa pagpapatuloy ng sesyon sa susunod na buwan.