-- Advertisements --
Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na payagan ang basketball games sa National Capital Region (NCR) para sa mga fully vaccinated individuals.
Nilinaw naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na depende sa mga manlalaro kung magsusuot ng face mask o hindi habang naglalaro.
Paglilinaw ni Abalos na maaari pa lang ito sa indoor places dahil hinihintay pa nila ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa outdoor basketball.
Magugunitang nauna ng pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsagawa ng non contact group exercises gaya ng Zumba at iba pa.