Balak na magdagdag ng mas maraming nitso sa likod na bahagi ng Manila North Cementery para maisara ang isang pathway na ginagamit ng mga bisita tuwing Undas bilang shortcut palabas at papasok ng naturang sementeryo.
Ito ay matapos pagkakitaan ng ilan ang naturang shortcut, nagpapatawid ang mga ito sa mga bisita na ayaw dumaan sa main gate. Sa mga normal na araw, ang bayad sa paggamit ng shortcut ay P1 ngunit nagbabago ang mga rate sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ayon kay MNC Director Roselle Castañeda, ina-assess na city engineer kung kaya pa ng pundasyon pero kung di na kakayanin, magtatayo na lang daw ng fence.
Magpapakalat ng mga tauhan ng pulisya sa lugar upang maiwasan ang mga bisita na gamitin ang makipot na daanan.
Habang ang mga taong bumibisita naman sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay papayagang makapasok sa sementeryo mula 5 a.m. hanggang 5 p.m. mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2023, at magsasara ang mga gate bandang 7 p.m.
Sa mismong araw ng Undas, iaalok din ang mga libreng sakay sa loob ng MNC. Ang mga e-trike ay matatagpuan sa mga pangunahing gate, gayunpaman, ang papayagan lang makasakay ay mga senior citizen.
Mahigit 50 portalets din ang ipapamahagi sa sementeryo.
Samantala, hinimok ng pro-environment group na Ecowaste Coalition ang publiko na obserbahan ang eco-friendly practices sa kanilang pagbisita sa mga sementeryo tulad ng pagdadala ng mga potted plants sa halip na plastic at paggamit ng reusable products sa pahahanda ng pagkain.