Bahagyang maaantala ang paglalabas ng pangalan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng lupa sa Hacienda Tinang sa Tarlac sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng gobyerno dahil sa kasong inihain ng mga magsasaka ayon kay Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary David Erro.
Ito ay may kinalaman sa nangyaring insidente sa naturang Hacienda kung saan nasa 83 katao kabilang ang 13 magsasaka ang sinampahan ng state prosecutors ng malicious mischief at illegal assembly may kaugnayan sa kanilang isinagawang pagbubungkal sa lupa sa Hacienda Tinang para sa pag-marka ng anibersaryo ng pagkakapasa ng CARP law noong Kune 10.
Ayon sa DAR official, nakatakda sanang ilabas ngayong linggo ang notice sa mga kawalipikadong benepisyaryo subalit dahil sa naturang insidente magsasagawa sila ng pagpupulong para matukoy kung marapat na ilabas ang pangalan ng mga benepisyaryo dahil mayroong naagrabyadong partido.
Saad ng DAR official na ang collective Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ay naisyu na sa 236 magsasaka ng Hacienda Tinang noong 1995 subalit hindi pa naigawad sa mga farmer beneficiaries ang kani-kaniyang titulo hanggang sa kasalukuyan.
Tutukuyin pa aniya ang specific lot sa kada benepisyaryo.
Isiniawalat naman ng DAR official na binalaan na nito ang mga magsasaka bago gawin ang cultivation activity subalit sinabihan umano siya ng mga magsasaka ng Hacienda na maliit na bahagi na walang pananim isasagawa ang pagbubungkal.
Subalit batay report mula sa field ng DAR, lumalabas na nasa apat na ektarya ng lupa na may pananim na sugarcane ang binungkal.
Sinabi naman ng DAR official na hindi otomatikong diskwakipikado ang 13 magsasaka na nagsagawa ng cultivation activity para makuha ang










