-- Advertisements --
cropped Palay rice farm farmers harvest 5

Iniuugnay ng National Irrigation Administration (NIA) ang 3 porsiyentong paglago ng produksyon ng palay sa unang kalahati ng taon sa pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni NIA chief Eduardo Guillen na ang tamang tulong na ibinibigay sa mga magsasaka ang pangunahing salik din sa pagkamit ng pagtaas ng ani nito..

Aniya, ang NIA ay nakikipagtulungan na ngayon sa Department of Agriculture (DA), para makapaghatid ng tulong sa pag-input ng sakahan, kabilang ang mga makinarya sa pagsasaka.

Umaasa ang opisyal, na sa susunod na panahon ng pagtatanim, mas maraming tao ang makikinabang sa ani ng mga magsasaka, na may tamang input at matatanggap ito sa tamang panahon.

Binanggit din ni Guillen ang convergence efforts na sinimulan ng Pangulo sa pagitan ng NIA, DPWH at DA.

Dagdag pa niya na ang mga bagong teknolohiya at sistema na nakalagay at nagagamit ay makakatulong sa pagtugon sa mga epekto ng El Niño.

Aniya, nasa tamang landas ang pamahalaan dahil nakahanda ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magbigay ng mas magandang serbisyo para sa mga magsasaka.