-- Advertisements --
Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa huling kwarter ng 2023 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa inilabas ng PSA na datos sa gross domestic product na sumusukat sa kabuuang size ng lokal na ekonomiya, iniulat ni National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa na nakapagtala ng 5.6% na growth rate sa huling 3 buwan ng 2023.
Ito ay nagpapakita ng pagbaba mula sa 7.1% na paglago na naitala sa huling kwarter ng 2022.
Sa kabuuan, ang full-year growth para sa 2023 ay nasa 5.6%, mas mababa sa target ng pamahalaan na 6% hanggang 7%.
Gayundin, mas mabagal ito kumpara sa naitalang 7.6% GDP noong 2022.