Naantala ang paglabas ng halos 23 Pilipino at iba pang foreign nationals sa Gaza Strip matapos yanigin ng mga pagsabog ang mga lugar na malapit sa Rafah border crossing.
Ang Rafah border crossing ang nag-iisang lagusan mula Gaza papuntang Egypt. Ngayong araw sana nakatakdang makalabas ang mga OFWs na naiipit sa gyera sa naturang lugar. Pero dahil naudlot ito, ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega, ay ipagpapaliban muna at itutuloy nalang ulit ito bukas, Lunes.
Samantala, nakikiusap na ang gobyerno ng Pilipinas sa gobyenro ng Israel na payagan na ang halos 40 mga palestinong asawa ng mga pinoy na makabalik na rin ng Pilipinas kasama ang kanilang pamilya. Ayaw pa rin kasing lisanin ng ilang Pinoy ang Gaza kung hindi umano nila maisasama ang kanilang mga asawa na Palestino.