-- Advertisements --
Aminado ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na malayo pa ang laban kontra inflation.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, patuloy ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa subalit napakalayo pa bago tuluyang maideklarang nalabanan na ang inflation.
Sa loob ng dalawang buwan kasi ay nagtala ng mabilis na inflation kung saan mayroong 3.4 percent ito nitong Pebrero at 2.8 percent naman nitong Enero.
Para makontrol aniya ang inflation at ma-stabilize ang peso asy kailangan na taasan ng BSP ang key interest rate ng 450 basis point sa 6.50 percent na siyang pinakamataas sa halos 17 taon.
Paglilinaw naman nito na ang risk-adjusted inflation forecast ay malapit pa rin sa two-to-four percent target.