GENERAL SANTOS CITY – Gusto mang pagkasyahin ng Philippine Red Cross (PRC) ang pondong dugo subalit kapos pa rin dahil sa malaking demand lalo na sa panahon sa pandemya.
Ito ang naging pahayag ni Johnny Fuscablo ang Quality Assurance officer ng Red Cross General Santos.
Sinabi nitong marami na ring blood letting activity ang ginawa ng kanilang tanggapan subalit kulang na kulang ito.
Katuwang ang Our Lady of Peace and Good Voyage parish, Divine Mercy Apostolate at ang Bombo Radyo GenSan sinagawa ang blood letting activity sa luob ng Dadiangas Parish para matulungan na makalikom ng dugo lalo na patapos na ang taon.
Sa pamamagitan umano nito masagot kaagad ang kinakailangang dugo para sa mga pasyente pati na ang mga dina dialysis.
Nalaman na nitong taon ginawa ang blood letting activity kasama ang Bombo Radyo sa mga local government units (LGUs) ng Sarangani pati na mga non government organization (NGOs) sa lungsod.
Ang Bombo Radyo namimigay ng Dugong Bombo T-shirt at bitamina sa mga succesful blood donor.